Gusto kong simulan ang sulat na ito sa isang pagbati!
Bago ko simulan ang nasabing liham, nais ko munang sabihin na gusto ko lamang iparating ang aking mga nararamdaman. Sana wag kayong malungkot, magalit o masaktan kung may masasabi man ako na di nyo magugustuhan. Gayunman, nagsasabi lang ako ng katotohanan na maaaring magpapangiti sa inyo, ikakatuwa ninyo dahil gusto kong iparating ang aking saloobin. Ngunit sa madaling salita, isa itong liham na kung saan lahat ng mga gusto kong sabihin na matagal ko nang gustong ipahayag sa inyo.
Bago ko simulan ang nasabing liham, nais ko munang sabihin na gusto ko lamang iparating ang aking mga nararamdaman. Sana wag kayong malungkot, magalit o masaktan kung may masasabi man ako na di nyo magugustuhan. Gayunman, nagsasabi lang ako ng katotohanan na maaaring magpapangiti sa inyo, ikakatuwa ninyo dahil gusto kong iparating ang aking saloobin. Ngunit sa madaling salita, isa itong liham na kung saan lahat ng mga gusto kong sabihin na matagal ko nang gustong ipahayag sa inyo.
Una kong gustong kausapin si Mama. Laging nagluluto, laging naglalaba, laging naglilinis at nangunguna pag general cleaning sa bahay. Siya din ang tagahanda ng baon ko, taga-budget ng pera at higit sa lahat, ang umuunawa sa akin pag may problema ako. Minsan, nagtatalo kami at nag-aaway na humantong din sa pagtulo ng aming mga luha ngunit nagkakaayos din kami. Gusto ko lamang sabihin sa inyo na maraming salamat dahil sa kabayanihan na ginagawa mo sa aming pagmamalasakit at pang-unawa. Natutunan ko sa iyo ang pagiging maaalalahanin kung saan nadala ko ang ganitong ugali sa aking mga kaibigan at ang pag-intindi sa nararamdaman ng iba lalo na sa mga mahihirap na sitwasyon. Higit sa lahat, naging masipag ako sa pag-aaral dahil iyan ang pangako ko sa inyo na makapagtapos at makahanap ng marangal na trabaho.
Sunod kong kakausapin si Papa. Nakakainis kahit minsan nakikita kitang umiinom ng alak kasama ang mga kumpare mo at minsan umuuwi ka na lang at matutulog dahil pagod sa trabaho o kaya galing sa inuman. Papa, kahit ako ang exact opposite mo dahil inaasahan kasi nila na marunong din ako sa mga gawain sa talyer at nakikisali sa inuman, hanga po ako sa inyo. Ang galing nyo po kasi magmaneho, magaling sa pag-welding at pagbubuhat ng mga mabibigat na bakal at kahoy. Kahit di ko man natutuhan iyon sa inyo, nakuha ko naman sa inyo ang pagkakaroon ng respeto sa kapwa, pagiging matiyaga at ang pagpapahalaga sa pag-aaral kaya siguro nasabi na matalino daw ako at para sa akin namana ko iyon sa iyo. Kaya ngayon, naging guro ako dahil gusto kong ibahagi ang aking kaalaman. Kaya Papa, ang galing mo at hanga ako sa inyong sipag at talino.
Sa aking mga ate, may mga panahon na di ko kayo nakakausap dahil abala na rin ako sa aking trabaho. Alam ko na malayo ang agwat ng edad ko sa inyo, ilang taon kayo magkakasunod na ipinanganak at alam ko na ako ang nag-iisang lalake kaya minsan feeling ko di dapat ako kasali sa usapan dahil girls talk lang ito. Sorry din sa mga panahon na inaway ko kayo dahil may mga bagay na di tayo mapagkasunduan na nagiging dahilan kung bakit may sarili akong mundo. Sorry din kung di ako sumama sa inyo pag tayo ay kakain sa labas dahil madalas conflict ang ating mga schedule. Kaya minsan may mga pagkakataon na gusto ko kayo makasama kaya lang busy kayo na nagiging dahilan ay mas nakikibonding na lang ako sa mga kaibigan ko sa labas ng bahay o nasa tapat na lang ako ng computer. Kahit ganun pa man, may mga bagay na dapat akong ipagpasalamat sa inyo dahil kayo ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko. Kayo ang nagregalo ng cellphone, bumili ng laptop ko para maipakita yun bunga ng aking unang sweldo sa trabaho, at sinuportahan nyo ang aking pag-aaral lalo na sa kolehiyo. Kaya ngayon natutuhan ko ang pagiging mapagbigay sa kapwa. Pag wala sina Mama at Papa, tayo ay nagkakaisa para matapos yun mga gawaing bahay. Kayo din naman ang umuunawa sa akin pag may problema ako kasama nina Mama at Papa.
Sa aking mga tita at tito at mga lolo at lola, isama ko na rin kayo mga pinsan at pamangkin kayo din ang gumabay sa akin. Kahit paminsan-minsan lang tayo magkita, marami din akong napulot na aral sa inyo. Ilan sa mga aral na nakuha ko sa inyo ang pagiging mapagpasensya at pag may problema, tawanan lang ito at wag nang pansinin. Nakakatuwa din isipin na natutuwa kayo sa akin dahil sinasabi nyo nun sanggol pa lamang ako, napaka-cute ko. Salamat dahil natutuwa din kayo sa tuwng tinatanong nyo ako tungkol sa mga trivia at nakakasagot ako at salamat din kasi nakikita nyo ang aking pagpapahalaga sa pag-aaral at ang pagsusumikap ko na makamit ang aking mga mithiin sa buhay.
Nais ko lamang sabihin sa inyo na bilang bunso sa pamilya, pasensya na kung minsan matigas ang ulo ko. Laging iniisip ko na lagi akong kawawa sa magkakapatid kaya minsan napapasama din ang mga ate ko. Nais ko lamang sabihin na kahit minsan, lahat tayo nagkakamali at lahat tayo ay tama. May panahon para magbigayan at may panahon para magkaunawaan. Minsan kasi parang ayaw natin magpatalo na nagiging dahilan ng mas maraming pagkakamali. Kaya minsan, may sarili akong mundo at nagtatampo. Nauunawaan ko kayo dahil mataas ang pagrespeto ko sa inyo at higit sa lahat, mahal na mahal ko kayo.
Pasensya na rin kina Mama at Papa kasi minsan matigas ang ulo ko lalo na ngayong nasa legal na edad na ako. Lagi akong umuuwi ng gabi pagkagaling sa trabaho dahil maraming tinapos na gawain o ginagabi dahil traffic sa biyahe. Minsan natakas na lang po ako ng bahay nang walang paalam dahil di ko gusto ang ulam sa bahay. Minsan nakikipagtalo ako lalo na sa usapan sa budget dala ng maraming gastos. Mama, Papa, kahit ganun po, di ko pa rin binabago ang ideya na ang pagtatrabaho ko ay para din sa ating pamilya at para din sa ikauunlad ng aking sarili.
Isang bagay lang ang aking napagtanto. Sa pagbuklat ko ng aking photo album, nakita ko ang mga larawang kupas na nakita ko si Mama, kinakarga pa ako noong bata pa ako kasama pa sina Ate na maliliit pa sila. Sayang kakaunti lang ang pictures ko na kasama si Papa ngunit nakita ko ang mga larawan nya na nagtatrabaho sa Middle East lalo na yun may kasama siyang camel. Nakita ko mga litrato nina Ate noong nag-aaral pa sila ng high school at kolehiyo kasama ang kanilang mga kaibigan. Kahit ang mga pictures sa Facebook na sila magkakasama sila at sayang namiss ko ang moments na iyon. Inaalala ko rin ang mga litrato na magkakasama kaming nag-out of town at natuklasan ang ganda ng Pilipinas. Higit sa lahat, nakita din naman nila ang mga pictures ko mula noong sanggol pa lamang ako, hanggang sa ako'y nag-aral at nagkaroon ng marangal na trabaho. Iisa lamang ang aming mga reaksyon kahit di ko man ito makita o mapansin sa kanila: kami-kami pa rin ang magiging magkakampi sa lahat ng oras.
Sa pagtatapos ng liham na ito, ipapangako ko na ipapakita ko ang pagmamahal ko sa kanila sa pamamagitan ng isang sulat. Pangako ko na may mga panahon na nagkakamali tayo ngunit di na kailangang palakihin pa ang gulo gaya ng ginagawa ko dati. Maipapangako ko na kapag hindi na busy, may oras para makipagkuwentuhan at higit sa lahat, sasabihin ko sa kanila na kailangan naming magkaisa at mag-unawaan para maayos ang problema. Iiwasan ko na rin ang pagiging makasarili ko. Di na kailangang magpataasan at kailangan natin ay magpakumbaba. Ipakita natin ang pagmamahalan sa bawat isa sa atin. Wag kayo mag-alala, okay na okay ako at matibay sa mga problema sa buhay at alam ko na ang gagawing solusyon sa mga hamon ng buhay. Dahil dyan, dahil sa marangal na pagpapalaki nyo sa akin, isa akong mabuting tao dahil sa inyo. Maraming salamat sa inyo!
Lubos na gumagalang,
Bunso
_
Ang akdang ito ay lahok at pakikiisa sa taunang Saranggola Blog Awards.
sa pakikipagtulungan ng